Ibinabala ngayon ng World Health Organization (WHO) ang pagkalat ng zika virus sa Asya.
Ayon sa WHO, nasa 70 bansa sa iba’t ibang panig ng mundo ang natukoy na may kaso ng zika kung saan 19 sa mga ito ay mula sa rehiyon ng Asya Pasipiko.
Kabilang sa mga bansa sa Asya na pinangangambahang lalaganap ang sakit na zika ay ang China, Japan, Australia at iba pa.
Matatandaang sa Singapore pa lamang ay aabot na sa mahigit 400 kaso ng zika ang naitatala ng mga kinauukulan.
By Ralph Obina