Sumadsad na sa 80% ang pagkalugi ng mga poultry growers sa lalawigan ng Pampanga mula sa dating 50%.
Ayon sa UBRA o United Broilers and Raisers Association President Atty. Bong Inciong, bumaba na sa P58.00 kada kilo ang farmgate price ng broiler chickens dahil sa outbreak ng avian influenza sa Pampanga.
Nadamay na rin ang mga nag-aalaga ng manok sa lalawigan ng Tarlac kung saan, nakapagtala ng 75% pagkalugi sa kanilang negosyo.
Gayunman, muling tiniyak ni Atty. Inciong na nananatiling ligtas kainin ang mga poultry products basta’t lulutuin lamang iyong maigi.