Nanawagan sa mga kabataan ang Cordillera Administrative Region’s (CAR) Regional Agricultural and Fishery Council (RAFC) na gamitin ang pagkamalikhain at ideyalismo sa pagbuo ng mga polisiya at rekomendasyon na magmo-modernisa sa sektor ng agrikultura at pakikinabangan ng mga magsasaka.
Ayon kay Ryan Palunan, ang pinakabatang RAFC chairperson sa kasaysayan ng Agriculture and Fishery Councils (AFCs), mahalagang makilahok, lumapit, at makipag-usap sa mga magsasaka ang mga kabataan upang makalikha ng mga akmang polisiya para sa mga ito.
“Ang naging taglay natin as youth is being idealistic. We voice out what we feel, but when we think of other things like agriculture, do we also voice it out? Like the problems of the farmers, sana may nakakarinig ng problema nila and translate it into policies,” pahayag ni Palunan.
Inamin ni Palunan na nakikita niya ang kanyang bagong papel ngayon bilang inspirasyon at hamon na magpursigi para sa ikauunlad ng pinaglilungkuran niyang sektor.
“I am young, inexperienced, and looking at the people around here, they have established farms and big agri-businesses. Naliliitan ako sa sarili ko. But when I look at the positive side, nasasabi ko sa sarili ko na one day, magiging gano’n din ako,” masayang sabi ni Palunan.
Kasabay nito, sinabi naman ni Philippine Council for Agriculture and Fisheries (PCAF) OIC Executive Director Liza Battad na pinahahalagahan ng konseho ang volunteer work ng AFC members, tulad ni Palunan, na naglalaan ng oras at pagsisikap para sa ikabubuti ng kanilang hanay.
“I truly believe that it is our AFCs at the national (National Banner Program Committees) and local (RAFC) levels who have the strongest of minds and hearts, especially at these trying times. They are the ones working in communities, helping other farmers and fishers recover during the most difficult times of the pandemic, natural disasters, and pressing agri-fishery-related issues and concerns through the crafting of significant policy and program recommendations. These, in turn, contribute to the economic recovery of our nation,” wika ni Battad.
Si Palunan, 25 taong gulang na magsasaka mula sa Baguio City, ay naitalaga noong Marso bilang RAFC Chairperson ng CAR’s Regional AFC para taong 2022.