Dismayado ang Malakanyang sa sinapit ng 14 anyos na si Reynaldo de Guzman na natagpuang patay, tadtad ng saksak at binalutan pa ng packaging tape ang ulo.
Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, naka-gigimbal at naka-babahala para sa gobyerno ang pagkamatay ni De Guzman.
Pero mas ikinababahala anya nila na pawang mga pulis ang sangkot sa pagkamatay ng 17 anyos na si Kian Lloyd Delos Santos at 19 anyos na si Carl Angelo Arnaiz.
Bagaman nananawagan din ang palasyo sa mga otoridad na agad papanagutin sa batas ang sinumang sangkot sa krimen at bigyang katarungan ang mga biktima, ipinaliwanag ni Abella na ipauubaya na nila sa tamang ahensya ang pagsagot sa issue.
By: Drew Nacino
SMW: RPE