Dapat isisi sa maluwag na “labor compliance” pagkamatay ng tatlumpu’t walo katao sa sunog sa NCCC mall sa Davao City, noong Disyembre a-bente tres.
Ayon kay Anakpawis Partylist Rep. Ariel Casilao, hindi sana ito mangyayari kung naging mahigpit lamang ang pagpapatupad ng labor requirements.
Malinaw anyang inissue ang mga permit sa NCCC mall kahit may kakulangan ito sa evacuation measures sa oras na may emergency at walang safe working environment ang mga empleyado.
Sa kabila nito, itinanggi ng NCCC mall management na lumabag sila sa safety rules.
Iginiit ni Casilao na kung ipinasa lamang ng Senado ang House Bill 64 o Occupational Safety Hazard ay hindi sana kalunus-lunos na trahedya sa Davao City na naganap ilang araw bago ang Pasko.