Aminado ang liderato ng Philippine National Police (PNP) na may malaking aral na iniwan ang nangyaring kambal na pagsabog sa Jolo, Sulu nuong isang linggo.
Ito ang reaksyon ng PNP makaraang ihayag ng Philippine Army na hindi sana hahantong sa madugong insidente ang nangyari sa sulu kung hindi napatay ng mga pulis na nakatalaga ruon ang apat na sundalong sinasabing nagmamanman sa dalawang natukoy na suicide bomber.
Sa panayam ng DWIZ kay PNP Spokesman P/BGen. Bernard Banac, nakapanghihinayang ang sinapit ng apat na sundalo subalit kailangan na aniyang mag-move on at ipaubaya sa kinauukulan ang pagtukoy sa nagpapatuloy na imbestigasyon.
Ang gagawin nalang natin ay to move forward at tanggapin ang nangyari na maybleksyon na tandaan at ma-serve ang hustisya doon sa apat na namatay na sundalo at siyam na pulis na sangkot sa pamamaril ay sinampahan ng kasong murder. Sa Department of Justice ng NBI ‘yan naman ay gumugulong ang proseso na iyan. ani Banac
Gayunman, sinabi ni Banac na hindi maaapektuhan ng pangyayari ang matatag na relasyon sa pagitan ng pulisya at militar na magkatuwang upang tiyakin ang kapayapaan at kaayusan sa bansa.
Nangyari na ito so kinakailanagan na hindi tayo magpapaapketo sa mga pangyayaring ito kundi kailangan pa natin palakasin na resolba na labanan ang banta ng terorismo at sa pakikipagtulungan ng isa. ani Banac sa panayam ng DWIZ