Kumikilos na ang Labor Attache’ ng Pilipinas sa Kuwait upang masusing imbestigahan ang di umano’y pagpapakamatay ng tatlong Overseas Filipino Workers o OFW sa Kuwait at pagkamatay ng isa pa.
Kasunod ito ng pahayag ng Pangulong Rodrigo Duterte na plano niyang ipagbawal na ang pagpapadala ng Pilipinong manggagawa sa Kuwait.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III sakaling mapatunayan na minamaltrato ang mga OFW sa Kuwait agad niyang ipag-uutos ang total ban sa deployment ng mga manggagawa na tulad ng nais ng Pangulo.
Una rito, nagalit ang Pangulo matapos mapag-alamang apat na OFWs ang namatay sa Kuwait.
Dalawa dito ang nag-suicide dahil hindi umano matagalan ang pagmamaltrato ng amo samantalang ang pinatay naman ng isa pa ang kanyang kasintahan bago siya nagpakamatay.
“Kasi hindi lang ito ang incident, this is the country na marami talagang mga report ng abuses sa ating mga OFW, ito parang napuno na ang ating Pangulo siguro we will ban and then kung gusto nilang makipag-usap na ituloy ang pagde-deploy doon ay sisiguraduhin natin na ang mga ipapadala natin ay hindi na mamamaltrato.” Pahayag ni Bello
(Ratsada Balita Interview)