Iniimbestigahan na ng Philippine National Police-Internal Affairs Service (PNP-IAS) ang pagkamatay ng 60 inmates sa ilalim ng kustodiya ng Dasmariñas City police station mula Enero hanggang Oktubre ngayong taon.
Sa tala ng Dasmariñas police, nasawi ang naturang mga inmates dahil sa iba’t ibang sakit tulad ng Pneumonia at Tuberculosis.
Pinamaraming naitalang namatay nuong Marso kung saan 15 ang nasawi para lamang sa naturang buwan.
Katwiran ni Investigation Section Officer Ally Roa, naging mataas ang statistics nuong summer dahil sa sobrang init na panahon.
Ang Dasmariñas City jail ay mayroon lamang custodial capacity na 70 bilanggo ngunit sa kasalukuyan ay naglalaman ito ng 274 inmates.