Iginiit ng PNP o Philippine National Police na isang hiwalay na kaso ang pagkamatay ng binatilyong si Kian Loyd Delos Santos sa Oplan Galugad.
Ayon kay PNP Spokesperson Chief Superintendent Dionardo Carlos, hindi dapat lahatin dahil hindi naman lahat ng police operations ay nagreresulta sa tulad ng nangyari kay Delos Santos.
Binigyang diin ni Carlos na sa loob ng isang taong operasyon ng Oplan Tokhang, nakapagpasuko ang mga pulis ng mahigit sa isang milyong drug users at pushers sa pamamagitan ng araw – araw na pagkatok sa kanilang pintuan at paghikayat na sumuko.
Maliban pa anya ito sa 90,000 drug suspects na kanilang nahuli ng buhay at ngayo’y nakakulong na at nahaharap sa kaso.
Samantala, hindi rin anya dapat kalimutan na mahigit isang taong ‘war on drugs’ ay umabot na sa 70 ang mga pulis na nasawi rin sa mga mga operasyon at may 196 ang sugatan.
Matatandaan na sa unang taon lamang ng ‘war on drugs’ ng Duterte administration ay umabot ‘di umano sa 7,000 drug suspects ang napatay subalit halos kalahati dito ay kagagawan ‘di umano ng mga vigilantes.
Doon po namin nakikita ‘yung punto po ni Chief PNP na ayaw ho niyang namamatay ‘yung kanyang pulis o nasusugatan ho ‘yung kanyang pulis dahil may pamilya din ho ‘yan at the end of the day.
Well, there are people or there are victims that got killed during the police operations, sa lahat po ng ginawa ho natin mangilan-ngilan, karamihan ho kasi nito drop and closed na.
Meaning, there is no criminal intent on the part of the law enforcer to harm or kill the suspect.
By Len Aguirre