Iniimbestigahan na ng Bureau of Animal Industry o BAI ng Department of Agriculture (DA) Region 6 ang pagkamatay ng halos 2,000 manok sa dalawang bayan ng Maasin sa Iloilo.
Aalamin ng mga tauhan ng BAI kung ano ang sanhi ng pagkamatay ng mga manok sa naturang lugar at kung apektado ng bird flu ang mga ito.
Nabatid na ipinalibing kaagad ng may-ari ng farm ang mga namatay na manok.
Samantala, pinawi naman ni Maasin Mayor Mariano Malones ang pangamba na apektado na ng bird flu ang kanilang lugar.
By Ralph Obina