Pinaiimbestigahan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang pagkamatay ng isang curfew violator na pinuwersang magsagawa ng 300 rounds ng pumping exercises kasama ang iba pang hinuli sa General Trias, Cavite.
Ayon kay DILG Undersecretary Jonathan Malaya, nakipag-ugnayan na sila sa Philippine National Police (PNP) at local government ng General Trias hinggil sa insidente.
Ipinag-utos na aniya nila ang imbestigasyon sa insidente para malaman kung may paglabag pa sa protocol o nagkaroon naman ng iregularidad sa panig ng mga pulis.
Tiniyak ni Malaya ang pagpapanagot sa mga pulis kapag napatunayang umabuso ito sa kanilang tungkulin.