Aalamin pa ng DOJ kung uubrang ang Inter-Agency Task Force (IATF) nito ang mag-iimbestiga sa pagkamatay ng labor leader na si Dandy Miguel.
Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, i-a-assess pa nila kung ang pagkamatay ni Miguel ay may kaugnayan sa pagiging labor leader nito at kung ganito nga isasama na ito sa mga kasong iniimbestigahan ng AO 35 committee.
Magugunitang kagabi pinagbabaril hanggang mapatay sa Calamba, Laguna si Miguel na vice chairperson ng Pamantik Kilusang Mayo Uno.
Ang pagkamatay ni Miguel ay una nang iniugnay ng grupo nito sa umano’y crackdown ng gobyerno laban sa mga rebeldeng makakaliwa.
Sa ilalim ng AO 35 mechanism pangungunahan ng prosecutors ang isang team ng imbestigador mula sa iba’t-ibang ahensya ng gobyerno para imbestigahan ang isang isyu.