Pina-iimbestigahan ng NUJP o National Union of Journalists of the Philippines ang pagkamatay ni radio broadcaster Jun Pala noong 2003.
Ayon kay NUJP Chairman Ryan Rosauro dapat maimbestigahan ang pagbubunyag ni retired SPO3 Arthur Lascañas na ang pagpaslang kay Pala ay ipinag-utos ng Pangulong Rodrigo Duterte noong alkalde pa ito ng Davao.
Sinabi ni Rosauro na dapat malitis at managot ni Duterte kung siya nga ang nag utos na patayin si Pala na mahigpit umanong kritiko ng Pangulo.
Una nang idinawit ni Duterte si Pala bilang isa sa mga tiwaling mamamahayag at dapat lamang patayin.
By Judith Larino