Posibleng samantalahin ng mga lokal na lider ng mga teroristang grupo sa Pilipinas ang pagkamatay ng Islamic State Leader Abu Aakr Al-baghdadi sa Syria.
Ayon kay Western Mindanao Command (WestMinCom) Chief Lt. Gen. Cirilito Sobejana, malaki ang impact ng pagkamatay ng naturang lider sa grupo ng terorista sa buong mundo.
Taliwas dito, hindi naman masyadong kilala ng mga miyembro ng lokal na teroristang grupo ang namatay na lider ng ISIS ngunit posibleng gamitin ito mga lider para ma-motivate pa ang mga ito para gumawa ng pag-atake.
Mga liderato lamang nitong ISIS-inclined group na nandito sa ating bansa ang nakakakilala sa kanya, but during our interview doon sa mga sumuko sa atin, tinatanong natin kung kilala itong tao na ‘to, most of them, 90% of those we interviewed ay hindi kilala, so, masasabi kong he’s not wee-known dito sa ating bansa,” ani Sobejana.
Sa kabila nito, siniguro ng Sobejana na mas paiigtingin pa ng militar ang kanilang intelligence upang mapigilan ang anumang banta ng mga teroristang grupo.
Minimal ‘yung impact, but just the same we have to expect for worst case scenario, kaya lalo pa natin iintensify ‘yung ating intelligence effort,” — sa panayam ng Ratsada Balita