Iniimbestigahan na ng San Narciso Municipal Police sa Zambales ang pagkamatay ng isang kadete ng Philippine Merchant Marine Academy (PMMA).
Kinilala ang kadete na si Jonash Bondoc na dinala sa ospital kahapon ng umaga matapos makitang walang malay sa loob ng banyo ng alpha company barracks.
Gayunman, idineklarang dead on arrival si Bondoc, na tubong Butuan City.
Nakipagtulungan na ang PMMA sa mga otoridad upang malaman ang katotohanan sa likod ng pagkamatay ng kadete.
Samantala, nag-sumite na rin umano ng courtesy resignation ang commandant of cadets, battalion officer at company officer. —sa panulat ni Drew Nacino