Iimbestigahan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Management Center ang nangyaring pagkamatay ng mga isda, alimango at iba pang lamang dagat sa dalampasigan ng Barangay Lingsat sa San Fernando City, La Union.
Ayon kay City Fisheries Coordinator Florycel Obenia, may hinala silang nalason ang mga isda at maaaring hindi ito basta na lamang itinapon sa dalampasigan.
Maraming isda ang nakitang patay sa tabi ng dagat na pinagkukuha umano ng mga bata kaya’t kakaunti na lamang ang nadatnan ng mga otoridad.