Nakapagtala ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) ng “fish mortality” o pagkamatay ng mga isda sa taal lake.
Paliwanag ni Assistant Superintendent Jasmin Andaya ng Taal volcano protected landscape, sa halip na fish kill, fish mortality ang ginagamit nilang termino dahil mas mababa aniya sa 25,000 metric tons ang mga isda kung saan magkahalo ang mga ito na tilapia at bangus na nakitang mga patay sa bahagi ng lawa ng Taal.
Isa sa tinitingnang dahilan ng pagkamatay ng mga isda ay ang mababng dissolved oxygen sa lawa.
Inaalam na rin ng mga otoridad kung may kinalaman ang patuloy na pagbuga ng sulfur dioxide o asupre ng bulkan sa pagkamatay ng mga isda.