Pina-iimbestigahan ni Senador Robin Padilla ang pagkamatay ng nasa dalawampung miyembro ng tribong Teduray dahil sa pagguho ng lupa dulot ng bagyong paeng sa Maguindanao.
Sa gitna ito ng report na mula sa baybayin ng datu odin sinsuat ay puwersahang inilipat ang mga teduray sa paanan ng bundok minandar sa Maguindanao del Norte na bantad sa landslides.
Iginiit ni Padilla sa kanyang inihaing Senate Resolution 280, na dapat malaman ang katotohanan sa likod ng ulat na nasawi ang dalawampu’t apat at nasaktan ang higit tatlumpung miyembro ng tribo na puwersahang ni-relocate sa paanan ng mount minandar.
Dapat din anyang malaman kung bakit hindi naprotektahan ang mga Teduray sa karapatan nila sa kanilang ninunong lupain o ancestral domain.
Nais din malaman ng senador kung sino sa National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) o Ministry of Indigenous People Affairs ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao ang may kapabayaan sa pagtiyak sa karapatan ng mga katutubo na manatili sa kanilang lupain. — Sa ulat ni Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)