Walang senyales na pinuwersa.
Ito ang lumabas sa inisyal na resulta ng isinagawang autopsy sa mga labi ng namatay na overseas filipino worker na si Maria Constancia Dayag sa Kuwait.
Sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na kailangan pa rin ang mga dagdag na impormasyon mula sa forensic pathologist hinggil sa dahilan ng pagkamatay ni Dayag.
Wala aniyang nakitang galos sa katawan ng Pinay worker.
Magugunitang hiniling ng DOLE o Department of Labor and Employment sa NBI na magsagawa muli ng autopsy kay Dayag.
Una nang inihayag ni Bello na ang resulta ng otopsiya ang magiging basehan sa muling pagpapatupad ng deployment ban sa Kuwait.