Iniimbestigahan na ng host ng World Cup na Qatar ang pagkamatay ng overseas Filipino workers (OFWs) sa kanilang bansa na umano’y nasawi habang nasa isang training base sa gitna ng laban ng football.
Noong Miyerkules unang iniulat ng The Athletic Sports Website ang pagkamatay ng 40-anyos na Pinoy na kalaunan ay kinumpirma ng foreign ministry ng Pilipinas.
Ayon sa the athletic, nahulog ang Pinoy sa ramp habang nag-aayos ng ilaw sa isang resort na ginamit bilang training base ng national football team ng Saudi Arabia.
Wala umanong suot na harness ang lalaki nang mahulog.
Sinabi naman ng Qatari government official, na posibleng makasuhan at pagmultahin ang kumpanya ng OFWs kung mapapatunayang lumabag sa safety protocols.