Umani ng iba’t ibang reaksyon ang biglaang pagpanaw ni Tanzania President John Magufuli.
Sa isang televised address, inanunsiyo ng kanilang bise-presidente na si Samia Suluhu Hassan na ang 61 taong gulang na punong ehektubo ay iginupo ng karamdaman sa puso.
Matatandaang mula noong nakaraang buwan ay hindi na nagpakita sa publiko si Magufuli kaya’t kumalat ang balita na dinapuan ito ng COVID-19.
Gayunman, lahat ng mga nagpakalat ng umano’y fake news ukol sa sakit ng presidente ay inaresto ng mga awtoridad.
Samantala, nakikidalamhati at nagparating ng pakikiramay sa mga mamamayan ng Tanzania ang ilang world leaders sa pagpanaw ni Magufuli na nagsulong ng malawakang reporma at pagbabago sa kanilang bansa.