Maraming anggulo ang dapat tutukan sa pagkamatay ni Mayor Rolando Espinosa ng Albuera, Leyte sa loob ng kaniyang selda sa Leyte Sub Provincial Jail sa Baybay City.
Ayon ito kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre matapos utusan ang NBI na gumawa ng parallel investigation sa naturang krimen.
Sinabi ni Aguirre na maraming suspicious circumstances kaya’t kailangang malaman kung ano talaga ang totoo sa nasabing usapin.
By: Judith Larino