Aminado ang Malacañang na ang kabagalan ng pagkamit ng hustisya sa kaya’t hindi nabubura ang Pilipinas sa listahan ng mga bansang talamak ang media killings.
Ito ang inihayag ni Presidential Communications Secretary Sonny Coloma matapos ang index report ng Committee to Protect Journalist na pang-apat ang Pilipinas sa mundo na may mataas na kaso ng pagpatay sa mga mamamahayag.
Ayon kay Coloma, nagawan ng ireporma ng administrasyong Aquino ang political structure mula sa madilim na bahagi ng Maguindanao massacre na naglagay ng pangit na marka sa Pilipinas.
Ang kawalan anya ng mga napaparusahan sa naturang kaso ang dahilan kaya’t nananatili ang ranking ng pilipinas sa buong mundo.
Sa kabila nito, tiniyak naman ni Coloma na nagpapatuloy ang pagtugis sa mga suspek sa iba pang kaso ng media killing.
By Drew Nacino | Aileen Taliping (Patrol 23)