Walang kakayahan ang Pilipinas na pigilan ang China sa pag-angkin sa Panatag Shoal.
Ito ang iginiit ni Philippine Ambassador to Washington Jose Cuisia Jr. matapos mapaulat na may nag-iikot nang barko ng mga Tsino sa shoal na kilala rin sa tawag na Bajo de Masinloc.
Umaasa si Cuisia na tutulong ang international community upang mapigilan ang China sa iba pang ginagawa nito sa West Philippine Sea.
Matatandaang isiniwalat ni US Chief of Naval Operations Admiral John Richardson na isang Chinese survey ship ang naispatan sa shoal na maaaring bahagi ng balak nitong paglikha ng panibagong artipisyal na isla.
Magkakaroon naman ng bilateral meeting ang Amerika at China sa Hunyo kaya’t umaasa si Cuisia na kukumbinsihin ito ng Washington na huwag nang ituloy ang mga reclamation activities sa rehiyon.
By Jelbert Perdez