Iginiit ni UP Economics professor JC Punongbayan na pananabotahe ang pagkamkam ng pamahalaan ng 50 billion pesos sa Land Bank of the Philippines at 25 billion pesos sa Development Bank of the Philippines para ilipat sa Maharlika Investment Fund.
Ayon kay Professor Punongbayan, malaki ang epekto nito dahil nawala ang pondo na dapat sana ay pampautang sa mga magsasaka at mangingisda, para pambili ng binhi at agri machineries.
Binigyang-diin pa ng Propesor na isa itong halimbawa ng administrasyon para kumuha ng pera sa gobyerno at iba pang Government Owned and Control Corporation (GOCC). – Sa panulat ni Laica Cuevas