Binigyang katwiran ng Commission on Elections ang dahilan kung bakit kinansela ang Certificate of Candidacy ni Mabalacat Pampanga Mayor Marino Morales.
Ayon sa COMELEC, nilabag ni Morales ang three term rule ng poll body kaya’t kinansela ang COC nito at hindi dahil sa pagkakasangkot umano nito sa iligal na droga matapos maisama sa mga pinangalanan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ibig sabihin, natukoy ng COMELEC na nakapagsilbi na ng sunod-sunod na tatlong termino ang nasabing alkalde bago pa man ang May 9 elections.
By: Meann Tanbio/ (Reporter No. 25 )Allan Francisco