Magdudulot ng takot sa halip na kapayapaan ang ginawang pagkansela ng Department of National Defense (DND) sa kasunduan nito sa University of the Philippines (UP) na nagbabawal sa presensya ng mga sundalo at pulis sa UP Campus nang walang pasabi.
Pananaw ito ni Vice President Leni Robredo na nagsabing hindi naman mahirap o mali ang nasabing kasunduan na dumaan na sa limang administrasyon simula nang malagdaan ito noong 1989, para maprotektahan ang UP community at ang bansa.
Ang usapin aniya ay may kinalaman sa simpleng law enforcement kung saan nakasaad sa kasunduan ang pagbibigya ng notice sa university officials bago magsagawa ng anumang operasyon sa UP Campus.
Binigyang diin ni Robredo na ang hakbang ay maituturing na symbolic para maghasik ng pangamba at busalan ang mga kritisismo laban sa gobyerno.
Dahil dito, hinimok ni Robredo ang publiko na magsalita at tutulan ang naturang hakbangin.
Ang bise president ay nagtapos ng economics sa UP Diliman.