Inaprubahan ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. ang hakbang na kanselahin na ang klase at trabaho sa mga government offices bukas, July 24, 2023.
Bunsod ito ng inaasahang pagtama sa bansa ng tropical storm Egay at ng ikakasang transport strike bukas.
Ito ang nakasaad sa Memorandum Circular na inilabas ng malakanyang at nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin.
Samantala, tuloy naman ang operasyon ng mga ahensya ng gobyerno na may kaugnayan sa pagbibigay ng basic and health services at preparedness and response sa panahon ng kalamidad o sakuna.
Ipinauubaya naman ng pamahalaan sa pamunuan ng mga private schools at mga pribadong kumpanya ang pagdedeklara ng suspensyon.
Tiniyak naman ng Malakanyang na nakalatag na ang mga contingency plans para sa mga maaaring maapektuhan ng bagyo at ng ikakasang transport strike bukas, kasabay ng ikalawang pag-uulat sa bayan ni Pang. Bong Bong Marcos Jr.