Mismong ang Pangulong Rodrigo Duterte ang nag-utos na kanselahin ang pagtatalaga kay Chief Inspector Jovie Espenido sa Iloilo City PNP.
Ayon kay PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa, ikinunsidera ng Pangulo ang protesta ng mga mamamayan ng Ozamiz na nangangamba sa kanilang kaligtasan sakaling mawala sa kanilang lugar si Espenido.
Nilinaw ni Dela Rosa na walang kinalaman ang pag-atras nila sa assignment ni Espenido sa Iloilo sa pagkamatay ng most wanted drug lord ng Iloilo na si Richard Prevendido.
Hindi rin anya isyu ang mababang ranggo ni Espenido na hindi umano naaayon para maging hepe ng PNP sa isang syudad na tulad ng Iloilo.
PAKINGGAN: Bahagi ng pahayag ni PNP Chief Ronald ‘Bato’ Dela Rosa
By Len Aguirre / (Ulat ni Jonathan Andal)