Tila naglolokohan lamang ang pamahalaan at ang rebeldeng CPP-NPA o Communist Party of the Philippines – New People’s Army sa pagpapatuloy ng kanilang negosasyon.
Ito ang reaksyon ni Senador Gringo Honasan kasunod ng ginawang pagkansela ni Pangulong Rodrigo Duterte sa back-channeling talks sa pagitan ng pamahalaan at ng rebeldeng komunista.
Giit ni Honasan, tama lamang ang naging pasya ng Pangulo lalo’t malabo aniyang umusad ang usapang pangkapayapaan kung kaliwa’t kanan naman ang pag-atake ng isang panig.
Ang mga naitalang insidente ng pag-atake at pananambang ng NPA ayon kay Honasan ay malinaw na pagpapakita na hindi sinsero ang mga komunista sa kanilang pakikipag-usap at wala silang hangad na maging mapayapa ang bansa.
By: Jaymark Dagala
Pagkansela sa back-channel talks sa CPP-NPA suportado ni Sen. Honasan was last modified: July 21st, 2017 by DWIZ 882