Suportado ni Pangulong Rodrigo Duterte ang desisyon ng Department of National Defense (DND) na kanselahin ang kasunduan nito sa University of the Philippines.
Ito ay ang pagbabawal sa mga militar at pulisya na pumasok sa lahat ng campus ng UP para magsagawa ng operasyon nang walang permiso mula sa Board of Regents.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ito ay dahil “alter ego” aniya ng pangulo si DND Secretary Delfin Lorenzana.
Dagdag pa nito, sa 25 taon aniya nitong karanasan sa pag-aaral at pagtuturo sa UP ay hindi nito naranasan ang presensya ng pulisya sa unibersidad.
Gayunman, ani Roque, nasa mga estudyante na ng unibersidad at mga bumubuo nito kung hindi nila hahayaang mabalewala o malabag ang kanilang academic freedom.