Hindi na kailangan ang pagkansela sa kasunduan ng Department of National Defense (DND) at University of the Philippines (UP) hinggil sa pagbabawal sa mga otoridad na makapasok sa UP Campus.
Binigyang diin ito ni UP President Danilo Concepcion matapos mag-alala sa nasabing pasya ng DND na tiyak ding makakaapekto sa relasyon ng magkabilang panig at lilihis sa kapwa nais nilang pagsusulong ng kapayapaan, hustisya at kalayaan sa bansa.
Ayon kay Concepcion, nabuo ang kasunduan mula sa respeto sa isa’t isa ng magkabilang panig na napanatili naman sa loob ng tatlong dekada sa pamamagitan nang pagsunod dito.
Hindi aniya naging hadlang ang kasunduan sa pagsasagawa ng legal na operasyon ng mga otoridad sa loob ng mga campus ng up at anumang hindi pagkakaintindihan o problema sa pagitan ng dalawang panig ay maayos namang nareresolba.