Walang nakikitang paglabag si Chief Presidential Legal Counsel Salvador Pañelo sa pagpapawalang bisa sa 1989 UP-DND accord.
Paliwanag ni Panelo, mayroon man o walang accord mananatili ang otoridad at kalayaan ng unibersidad kung ano ang mga kursong nais nitong ituro habang ito rin ang mag dedesisyon kung sino ang kukunin nitong miyembro ng kanilang faculty.
Giit pa ni Panelo, hindi rin masasagsaan ang kalayaan sa pamamahayag at kalayaan sa mapayapang pagtitipon sa loob ng UP campuses.
Tiniyak ni Pañelo na mananatili ang pagiging balwarte ng kalayaan ang UP, may kasunduan man o wala.