Tinuligsa ng isang grupo ng mga guro ang ginawang pagkansela ni Pangulong Rodrigo Duterte sa planong pilot implementation ng face-to-face classes.
Giit ni ACT Secretary General Raymond Basilio, hindi dapat maging hadlang ang mga bagong strain sa pag-aaral ng mga estudyante.
Sa halip na umatras sa plano, binigyang diin ni Basilio na dapat tiyakin ng gobyerno na maipatutupad ang health and safety protocols sa mga paaralan at maglatag ng maayos na imprastraktura sa mga mahihirap na lugar sa bansa.
Magugunitang inaprubahan ni Pangulong Duterte ang rekomendasyon ng Department of Education (DepEd) na magsagawa ng pilot testing ng physical classes sa mga piling paaralan sa mga lugar na may mababang kaso ng COVID-19.
Gayunman, binawi ito ni Duterte sa pagsasabing hindi niya muna ito papayagan hangga’t hindi natatapos ang pandemya.