Suportado ng buong gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pasya nitong kanselahin o ipawalang bisa na ang Visiting Forces Agreement (VFA) sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos.
Ito ang iginiit ni Presidential spokesperson Salvador Panelo matapos namang sabihin ni Senador Panfilo Lacson na ilang miyembro ng gabinete ang nagpahayag ng agam-agam sa nakaambang termination ng VFA.
Ayon kay Panelo, suportado ng lahat ng miyembro ng gabinete ang mga ipinatutupad na foreign policy ni Pangulong Duterte.
Gayundin ang mga desisyon ng pangulo na may kinalaman sa kanyang foreign policy kabilang ang pagkansela sa VFA.
Una na rin sinabi ng Palasyo na walang plano ang pangulo na magsagawa ng panibagong negosyasyon sa Estados Unidos para sa nabanggit na kasunduan.