Tila tanggap na ni dating US President Trump ang pagkapanalo ni President-elect Joe Biden matapos itong magpost sa kanyang twitter account na tumutukoy sa lutong pagkakapanalo , subalit di naman pinangalanan ni Trump kung sino ito.
Paliwanag naman ng mga election officials na walang sapat na basehan ang paratang ni Trump, samantalang inakusahan naman si Trump ng ilang mga kritiko at democrats na sinusubukan umano nito na maliitiin ang pagkapanalo ni Biden.
Matatandaang nakakuha ng 306 votes si Biden samantalang 270 lamang ang nakuhang boto ni Trump dahilan upang mabigo itong muling mahalal bilang Presidente ng Amerika.—sa panulat ni Agustina Nolasco