Malugod na tinanggap ng Department of Foreign Affairs ang pagkapanalo ni Donald Trump bilang bagong Pangulo ng Estados Unidos.
Sinabi ni DFA Secretary Perfecto Yasay, ang naganap na eleksyon at ang pagkapanalo ni Trump ay senyales ng oportunidad sa mga posibleng pagbabago.
Magreresulta, aniya, ang mga pagbabagong ito ng mas matibay na relasyon ng Pilipinas at Estados Unidos.
Kung maalala, paulit-ulit na sinabi ng US embassy na sinuman ang manalo kina Trump at Hillary Clinton ay mananatili ang magandang samahan ng dalawang bansa.
By: Avee Devierte / Allan Francisco