Ibinabala ng OCTA Research ang posibleng pagkapuno muli ng mga ospital sa Metro Manila sa oras na sumirit muli ang kaso ng COVID-19 dahil sa Delta variant.
Ayon kay Fr. Nicanor Austriaco ng OCTA Research, posibleng maabot ang full capacity ng mga ospital sa NCR sa kalagitnaan ng August kung hindi magpapatupad ang gobyerno ng Delta lockdown.
Giit ni Austriaco, kapag nagsimula na ang surge ng Delta, magtutuloy tuloy na ang pagtaas ng kaso ng mas nakakahawang variant.
Una rito, hinimok ng grupo ang gobyerno na magpatupad ng circuit breaking lockdown para mapagilan ang pagkalat ng Delta variant.