Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang Department of Agriculture sa pagkakasangot umano ng ilang opisyal nito sa listahan ng senado kaugnay sa agricultural smuggling.
Nilinaw ng DA na para sa administrative purposes ang kanilang imbestigasyon subalit may pagkakatugma ang listahan mula senado sa mga opisyal na kanilang iniimbestigahan.
Ayon kay DA secretary William Dar, ipauubaya nila sa Presidential Anti-Corruption Commission o Office of the Ombudsman ang imbestigasyon sa mga opisyal na iniuugnay sa agricultural smuggling.
Itinanggi rin ni DAR na may kaugnayan siya sa mga opisyal na isinasangkot.
Hawak na ni President-elect Bongbong Marcos ang nasabing listahan matapos itong isumite ni dating Senate President vIcente “Tito” Sotto III.