Muling isinisi ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines o AFP sa tribal war ang pagkasawi ng 3 lider ng mga katutubong Lumad sa Surigao del Sur.
Sa panayam ng DWIZ, binigyang diin ni AFP Spokesman Col. Restituto Padilla na walang katotohanan ang alegasyon na may direktang kinalaman ang 4th Infantry Division at Philippine Army sa pagkakabuo ng isang paramilitary group.
Giit ni Padilla, napasok na ng New People’s Army o NPA ang mga komunidad ng Lumad dahilan upang magkagulo ang mga ito.
“Ginagamit nila po na mga puwersa ay itong Magahat at Bagani, so ‘yun po ang nakikita naming dahilan ng pag-aaway ng mga tribu diyan dahil madami pos a mga tribu ang dating alyansa sa kaliwa.” Pahayag ni Padilla.
By Jelbert Perdez | Karambola