Iniimbestigahan na ng Binalbagan Infirmary sa Negros Occidental ang pagkasawi ng isang sanggol matapos mapugutan habang iniluluwal ng kanyang ina.
Ayon kay Dr. Jocelyn Rapista, chief medical office ng Binalbagan Infirmary, naiintindihan nila ang epektong idinulot ng nangyari sa pamilya ng sanggol, lalo sa ina nitong si Nereza Tarig.
Taos-puso namang humihingi ng paumanhin ang nasabing pagamutan sa pamilya ng biktima.
Hunyo 8 naganap ang insidente nang makaramdam ng pananakit ng tiyan ang 25-anyos na ina ng sanggol.
Gayunman, nang sinuri ang sanggol, natuklasang suhe ito kaya nagdesisyon ang doktor na puwersahan itong ilabas nang hindi kumokonsulta sa ibang doktor.
Nang lumabas ang sanggol, laking gulat na lamang nila na wala ang ulo nito, na napugot at naiwan sa sinapupunan ni Nereza.
Sa ngayon, inaantabayan na ang opisyal na pahayag ng pamunuan ng infirmary hinggil sa insidente.