Sinimulan na ng pamahalaang panlalawigan ng Bohol ang imbestigasyon kaugnay sa nadiskubreng paninira ng coral reef sa Brgy. Tangnan sa Panglao.
Ayon kay Governor Erico Aristotle Aumentado, ang mga coral reef na sinira ng mga diver na tumuntong sa coral ay bahagi ng napaling dive site.
Kaugnay nito, nangako si Aumentado na gagawa ng ligal na aksyon ang kanilang panig laban sa mga nasa likod ng pagkasira ng mga coral reef.
Ang mga nasabing diving site sa panglao ay bahagi ng Panglao Island Protected Seascape at protektado ng Expanded National Integrated Protected Areas System. – Sa panulat ni John Riz Calata