Isang malungkot na araw para sa demokrasya ng bansa ang ginawang pagkatig ng Korte Suprema sa idineklarang Martial Law sa Mindanao ng Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ayon kay Senador Risa Hontiveros ay dahil sinayang ng high tribunal ang pagkakataon para manindigan sa aniya’y creeping authoritarianism.
Subalit iginiit ni Hontiveros na ang nasabing hakbang ng Korte Suprema ay hindi free pass para palawakin ang saklaw ng martial law.
Isa aniyang dangerous precedent para sa hindi demokratikong pamamahala ang nasabing pasya ng Korte Suprema at magiging silver bullet para sa huwad na kapayapaan.
By: Judith Larino / Cely Bueno
Pagkatig ng SC sa idenekalrang martial law isa umanong malungkot na araw para sa demokrasya was last modified: July 5th, 2017 by DWIZ 882