Itinuturing ng Malakanyang na pambabastos at sadyang panghihiya sa pamahalaan at soberenya ng Pilipinas ang pagkatig ng isang US Senate Committee sa isang resolusyon na humihiling ng agarang paglaya ni Senator Leila de Lima.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, malinaw na isang uri ng marahas na panghihimasok sa sovereign state ng bansa ang nabanggit na pasiya ng US Senate Committee.
Wala rin aniyang dahilan para hindi malaman ng US Senate Committee na matagal nang malaya ang Pilipinas mula sa pagiging kolonya sa Estados Unidos.
Dagdag ni Panelo, matindi rin nilang ikinababahala ang nabanggit na desisyon.
Magugunitang inaprubahan ng US Senate Committee on Foreign Affairs ang resolution number 142 na komokondena sa gobyerno ng Pilipinas dahil sa umano’y patuloy na pagkakakulong ni Senadora de Lima.