Nangangamba ang isang grupo sa posibleng manpower shortage sa mga pribadong ospital dahil sa sunod-sunod na pagbibitiw ng mga nurse at staff na gustong mag-trabaho sa ibayong dagat.
Sa nakalipas na dalawa hanggang tatlong linggo, 5% na ng mga nurse sa mga private hospital ang nag-resign.
Ayon kay Private Hospital Association of the Philippines President, Dr. Jose Rene De Grano, kung hindi mapipigilan ang “exodus”, posibleng maubos sa loob ng anim na buwan ang mga nurse at iba pang healthcare worker.
Ikinatatakot din nila ang mas maluwag na deployment ng healthcare workers sa ibang bansa gayong wala namang naipapalit agad sa kanila.
Manganganib anyang mapilayan ang operasyon ng mga pribadong ospital at iba pang health facilities at magiging limitado ang pagtanggap nila sa mga pasyente kung malalagas kada araw ang mga healthcare worker.—sa panulat ni Drew Nacino