Nagbabala ang ilang scientist at enivironmental advocates sa posibleng pagkaubos ng mga yamang dagat sa West Philippine Sea dahil sa mga mangingisdang Tsino.
Ayon kay Jay Batongbacal ng UP Institute for Maritime Affairs and Laws of the Seas, mayroong 15,000 Chinese vessel ang China at kung hindi ito pipigilan sa pangingisda ay malamang na maubos ang mga ito sa loob lamang ng ilang taon.
Dagdag pa ni Batongbacal, hindi lamang mga isda ang kinukuha ng mga Chinese poacher kundi pati mga bahura na nagsisilbing tahanan ng mga marine organism.
Aniya, inireport na ito ng mga mangingisdang Pinoy ngunit wala namang naging aksyon ang mga otoridad.