Kumbinsido si Senador Sherwin Gatchalian na ang pagkawala ng halos P13 Bilyong Piso na foreign aid mula sa European union ay bahagi at resulta ng isinusulong na independent foreign at economic policy.
Gayunman, sinabi ni Gatchalian, Chairman ng Senate Committee on Economic Affairs, na hindi ito nangangahulugan na sisirain na ang matagal ng economic ties sa European Union.
Dapat aniyang patuloy pa ring magkaroon ng magandang trade relations sa alinmang bansa o regional organization na handang makipagkalakalan ng patas sa bansa.
Sa panig naman ni Senador Panfilo Lacson, sinabi nito na ang hakbang ng Pangulo ay pagpapakita at pagdedeklara ng independence mula sa impluwensya ng western countries tulad ng U.S. at E.U.
By: Meann Tanbio / Cely Bueno