Nanawagan ang ilang militanteng mambabatas sa kamara na tuluyang imbestigahan “In aid of legislation” ang biglaang pagkawala ng isa sa mga supporter ni presidential candidate at Vice President Leni Robredo sa lalawigan ng Quezon.
Batay ito sa inihaing House Resolution 2565 nina Bayan Muna Representatives Eufemia Cullamat, Carlos Zarate at Ferdinand Gaite.
Abril a – 23 nang mapaulat na nawawala si Dante Gatdula, dating chairman ng Akbayan-Candelaria na kasalukuyang chairperson ng Robredo People’s Council (RPC) na nagkakampanya para kay VP Leni sa bayan ng Candelaria.
Pupunta lang noon si Gatdula sa pulong ng RPC bago ang campaign rally ni Robredo at natandaan ng kanyang asawang si betsie na may kinompronta ang kanyang mister sa telepono bago ito nawala.
Nanininwala ang Makabayan Congressmen na bagaman iniimbestigahan na ng PNP Regional Office 4-A ang insidente, nangangamba sila maging si betsie na mayroong mas peligrosong nangyari sa kanyang mister.