Isinisisi ni dating Pangulong Noynoy Aquino sa kanyang mga kalaban sa pulitika ang paglalagay sa alanganin ng programa ng pamahalaan sa bakuna at pagkakaroon ng outbreak sa tigdas sa bansa.
Sa isang pahayag sinabi ni Aquino na binalot ng intriga, pagdududa at takot ang mga bakuna sa bansa kaya maging ang laban sa tigdas na matagal nang subok at kinakatakutan.
Ayon sa dating Pangulo, malinaw na mga kalaban niya sa pulitika ang gumagawa lamang ng isyu para ipalabas na mali ang kanyang ginawa.
Muli namang iginiit ni Aquino na ginawa lamang niya ang sa palagay niya ay nararapat nang kanyang inaprubahan ang pagbili at pag-gamit ng dengvaxia vaccine.
Sinabi ni Aquino, walang kahit isa ang nagbabala o sumalungat sa kanya hinggil sa pagbili at paggamit ng dengvaxia.
Binigyang diin pa ng dating punong ehekutibo, sa ngayong makikitang mas marami pa rin aniya ang nakinabang sa dengvaxia nang iturok ito sa mahigit walong daang libong (800,000) kabataan.
Magugunitang, inirekomenda ng House Committee on Good Government and Public Accountability at Committee on Health ang pagsasampa ng kaso laban kay Aquino dahil sa pagbili ng kontrobersiyal na bakuna kontra dengue.