Itinakda na sa mayo 24 ng Vatican, ang pagkikita nina Pope Francis at US President Donald Trump.
Gagawin ang pulong sa Apostolic Palace, ang official residence ng Santo Papa.
Una nang nagkainitan ang dalawang lider, matapos tawagin ng Santo Papa na “hindi maka – krsitiyano” ang planong pagtatayo ni Trump ng border wall sa Mexico.
Pagkatapos ng pakikipag pulong sa Santo Papa ay sunod namang pupunta sa Brussels, Belgium si Trump para sa Nato Summit.
By Katrina Valle